Tagapamahala:

×
CySEC

Ang Skilling Ltd, ay pinamamahala ng Cyprus Securities and Exchange Commission (CySEC) sa ilalim ng lisensya ng CIF blg. 357/18

Magpatuloy
FSA

Ang Skilling (Seychelles) Ltd, ay awtorisado at regulado ng Financial Services Authority (FSA) sa ilalim ng lisensya blg. SD042

Magpatuloy

Hinirang ang Skilling bilang isponsor ng Likod ng Damit ng Fulham FC
para sa 2019/2020 season.

London, UK, 1 Ago 2019: Inanunsyo ng Skilling, isang online na plataporma para sa pag-trade, ang kanilang pagkahirang bilang Isponsor ng Likod ng Damit at Pangunahing Kasosyo ng koponan sa kampyonato ng EFL, ang Fulham FC, kabilang ang Adidas at ang Dafabet, para sa taong 2019/2020.

A

Ang logo ng Skilling ay ipapakita sa likod ng mga kamisetang gamit ng pangunahing koponan at ang tatak ay magbebenepisyo sa prominenteng pagpapakita nito sa Craven Cottage bukod sa mga himpilang digital at sosyal ng koponan.

Ang Skilling ay isang platapormang teknolohiyang pampinansyal na pagmamay-ari ng mga Scandinavian na sinisikap gawin ang pinansyal na trading simple at maaabot ng lahat sa isang transparente at ligtas na kapaligiran.

Ang plataporma para sa trading ng Skilling ay nilikha upang maging madaling gamitin para sa mga bagito at intwitibo para sa mga batikang mga trader. Ang mga gumagamit nito ay maaaring mag-trade ng mahigit sa 800 na mga instrumentong forex at CFD, kabilang ang mga pares ng pananalapi, mga cryptocurrency, mga index, at mga sikat na komoditi sa isang ligtas at intwitibong kapaligiran bunsod ng pagsasapuso sa karanasan ng kliyente.

Ang pag-sponsor ng Fulham FC ay nagdiriwang ng importanteng pangyayari para sa kompanya, na inilabas lamang ang mga hinahandog nitong mga serbisyo sa UK maaga sa taong ito.

Ayon kay Pavel Spirin, CMO ng Skilling: “Nang magsimula kaming mag-usap sa mga representante ng Fulham FC, mabilis naming nadiskubreng may iisa kaming pananaw. Sinisikap ng Fulham na maging madaling maabot ng mga sumusunod sa kanila, na siyang sumasang-ayon sa aming pananaw na gawing simple at para sa lahat ang trading. Mahal namin ang koponan, ang mga sumusunod dito, at ang pamana nito.

Batay sa aming mga plano para sa kinabukasan – tulad ng pagsisikap ng Fulham upang makabalik sa Premier League, at ang aming pagsisikap dalhin ang trading para sa masa – ang pakikisosyo namin ay hindi maaaring dumating sa mas mabuting panahon. Ikinagagalak naming makita kung saan kami dadalhin nito sa paparating na taon.”

Ayon kay Alistair Mackintosh, CEO ng Fulham FC: “Ako'y nagagalak sa prospekto na maging kasosyo ng Skilling sa aming koponan ng football para sa paparating na taon at umaasa ako na makamit ng aming mga organisasyon ang aming mga adhikain.Batay sa konsiderableng pagiging alinyado ng mga organisasyon namin, may kumpyansa akong magbubunga ng mabuti itong pagiging magkasosyo..”

Official Partner of Aston Villa Football Club