Sino kami at ano ang ginagawa namin
Isa kaming kompanyang fintech na pagmamay-ari ng mga Scandinavian at mayroon kaming tapat na layunin: upang gawing simple ang pag-trade at ipaabot ito sa lahat sa isang malinaw at ligtas na kapaligiran. Hindi kami naniniwala sa pag-trade para lamang sa mga taga-trade. Naniniwala kami sa pag-trade para sa lahat. Nakabase kami sa tatlong maaraw na lugar - sa Tsipre, sa Malta, at sa Espanya - kung saan kami ay gumagawa ng rebolusyonaryong plataporma sa pag-trade.
Ang aming punong tanggapan ay nasa Nicosia, Tsipre, at lisensyado kami ng Cyprus Securities and Exchange Commission. Sa amin, pwede kang mag-trade ng mahigit sa 800 na forex at instrumentong pinansyal na CFD, kabilang ang mga pares ng pananalapi, mga sapi ng iyong mga paboritong kompanya, mga crypto currency, mga sikat na komoditi at mga indeks mula sa buong mundo. Lahat ng mga trade ay isinasagawa gamit ang forex o mga kontrata para sa pagkakaiba. Maaari kang mag-trade sa aming plataporma gamit ang desktop, mobile, o sa pamamagitan ng pag-download ng aming app mula sa Google Play o sa App Store.
Ang aming Pananaw
Upang mabuksan ang potensyal ng mga merkadong pinansyal ng buong mundo para sa lahat.
Lahat ng may interes sa mga merkadong pinansyal ay dapat na maaaring abutin at gamitin ang kanilang buong potensyal.
Ang aming Misyon
Ang aming misyon ay lumikha ng natatanging plataporma ng pag-trade na dinisenyo upang magamit ng mga taga-trade ng lahat ng antas, mula sa mga baguhan na hindi pa nakakapag-trade hanggang sa mga batikang mga propesyonal. Nais naming gumawa ng plataporma na kinokonekta ang lahat sa mga merkadong pinansyal ng mundo at ipinapakita ang potensyal ng mga ito sa kanila.




Ang Karanasang Skilling
Ang karanasan ng kliyente ay nasa puso ng lahat ng aming gawain. Kami ay nagtatrabaho nang walang humpay upang disenyohin, buuin, at perpektohin ang aming plataporma ng pag-trade upang maghatid ng walang katulad na karanasan ng kliyente kung saan ay maari kang maging komportable sa pakikipag-trade sa isang ligtas at malinaw na kapaligiran. Ang pagbubukas ng account ay dapat na mabilis at sinigurado namin ito. Ang pagsasagawa ng pag-trade ay dapat na madali at ginawa namin ito. Ang pag-aaral tungkol sa mga merkadong pinansyal at sa kung paano talaga gumagana ang pag-trade ay dapat maging bukas sa lahat, at sinigurado namin ito. Huwag basta-bastang tanggapin ang aming sinasabi tungkol dito. Magbukas ng Skilling account at subukan ito para sa sarili mo.
Ang Aming Kwento
Ang aming Pangkat
Ang Skilling Group ay binubuo ng isang pangkat ng mga multinasyonal na mahigit sa 40 katao mula sa buong mundo. Ang mga developer, marketer, at mga espesyalista ay sama-samang nagtatrabaho mula sa aming mga opisinang matatagpuan sa Tsipre (CIF), Malta, at Espanya.

Michael Kamerman
CEO at Co-founder

Michalis Karakatsianis
COO

Fiona Soler
CFO

Lennart Clausen
Puno ng Trading

Pavel Spirin
CCO

Andrew Haigh
CIO

Christoffer Hartman
Puno ng Ligal




Sumali sa Skilling
Lagi kaming naghahanap ng pinakamahuhusay na talento, kaya kung sa tingin mo'y mayroon kang taglay na espesyal at nais mong sumali sa pangkat, magpadala sa amin ng aplikasyon o mag-apply sa isa sa mga trabahong nakalista sa ibaba sa pamamagitan ng pagpapadala ng e-mail sa aming pangkat ng Tao at Kultura sa [email protected].
